Bakit Madalas Huli na Kapag Nade-Detect ang FIP sa Pusa? Heto ang Mga Dahilan at Solusyon!
- Jennie Faye
- Mar 20
- 4 (na) min nang nabasa
Ang Feline Infectious Peritonitis (FIP) ay isang seryosong sakit sa mga pusa na dulot ng mutation ng feline coronavirus (FCoV). Matagal na itong itinuturing na isa sa pinaka-deadly na sakit sa mga alagang pusa. Pero good news! Dahil sa pag-usbong ng veterinary medicine, may mga bagong pag-asa na ngayon dahil sa mga effective na treatments.
Sa kabila nito, bakit Madalas Huli na Kapag Nade-Detect ang FIP sa Pusa. Kadalasan, nalalaman lang ng pet owners na may FIP si pusa kapag malala na ang kondisyon. Bakit nga ba huli na madalas ang diagnosis ng FIP? Tara, alamin natin!

Maagang Sintomas na Generic at Mahirap Kilalanin
Sa early stages ng FIP, generic o common lang ang mga sintomas kaya akala ng marami, simpleng stress o mild illness lang. Narito ang ilang senyales:
Tuloy-tuloy na lagnat na hindi bumababa kahit may antibiotics.
Walang ganang kumain, kahit paboritong food hindi pinapansin.
Matamlay, tulog nang tulog, at ayaw maglaro.
Biglang pumapayat kahit kumakain naman.
Dahil walang specific na sintomas na FIP agad ang iisipin, maraming cat parents ang nadedelay dalhin si pusa sa vet. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit late nade-detect ang FIP.
Mukhang “Okay” Pa Si Pusa Kahit May Early Stage FIP
Minsan, mukhang healthy pa si pusa sa simula kahit may FIP na pala siya. Naglalaro pa rin sila minsan, pero mabilis mapagod. Akala ng iba, pagod lang sila o stressed, pero sa totoo lang, patuloy nang kumakalat ang virus sa katawan nila.
Hindi basta-basta madi-diagnose ang FIP sa physical exam lang. Kadalasan, ginagawa ng vets ang mga sumusunod:
Complete Blood Count (CBC) – para makita kung may anemia o mataas na globulin levels.
Fluid Analysis – kung may fluid buildup sa tiyan o dibdib.
Ultrasound/X-ray – para makita kung may pamamaga o fluid sa organs.
Walang isang test na 100% sure agad, kaya kailangan ng maingat na pagsusuri. Ito rin ang dahilan kung bakit minsan natatagalan ang confirmation ng FIP.
Kadalasang Napagkakamalang Ibang Sakit ang FIP
Dahil generic ang sintomas ng FIP, madalas napagkakamalan itong ibang sakit:
Wet FIP (Effusive) – nagkakaroon ng fluid buildup sa tiyan o dibdib; akala ng iba buntis si pusa, may heart failure, o liver disease.
Dry FIP (Non-Effusive) – nawawalan ng gana kumain, pumapayat; parang ibang infection lang.
Neurological FIP – naaapektuhan ang nervous system; minsan napagkakamalang ibang neurological disorder.
Ocular FIP – naaapektuhan ang mata; akala eye infection lang.
Dahil dito, madalas hindi agad natutukoy na FIP ang dahilan. Also read: Don’t Ignore These 3 Signs Your Cat Might Be in Danger!
Kulang ang Kaalaman Tungkol sa FIP Treatment
Kahit may effective na treatment na ngayon tulad ng GS-441524, marami pa ring pet owners ang hindi alam na may lunas na ang FIP.
Kulang pa ang information na kumakalat tungkol sa mga available na gamot.
Marami pa rin ang naniniwala na death sentence na agad ang FIP. Pero ang totoo, early detection at prompt treatment ang nagbibigay ng mataas na chance na gumaling si pusa!
Ano ang Dapat Mong Gawin Kung May Sintomas si Pusa?
Kapag more than a few days na may sintomas si pusa at walang improvement kahit may gamot na, dalhin agad siya sa vet para sa mas detalyadong check-up.Huwag maghintay pa, dahil early detection ang susi sa successful FIP treatment! Mas maaga mong nalaman, mas mataas ang chance ni pusa na gumaling at bumalik sa healthy life.
FREE Consultation Kung Na-Diagnose na May FIP ang Pusa Mo!
Huwag mag-panic! Ready tumulong ang BasmiFIP team para mabigyan ka ng tamang treatment at gabay. 📞 +60 11541 80442 🌐 basmifipphilippines.com 📲 Instagram: @basmifipph 📘 Facebook: Basmifip Philippines 🎵 TikTok: @basmifipph
Conclusion
Bakit huli madalas nade-detect ang FIP? Walang specific symptoms sa umpisa. Kumplikado ang diagnosis process.Kulang sa awareness sa treatments.Pero ngayon, dahil sa tamang kaalaman at mabilis na aksyon, hindi na death sentence ang FIP!
FIP is a serious disease, but early detection can help improve the chances of a positive outcome. If your cat is showing FIP in cats symptoms, please take them to your nearest veterinarian for proper diagnosis and treatment and if you have any questions or concerns about FIP and its treatment, please do not hesitate to reach out to us at Facebook or visit our Instagram to get in touch with our expert team. You can read the Complete Guide to dealing with FIP Cats by clicking here.
FAQs Tungkol sa FIP
Ano ang FIP? Isang seryosong viral infection sa pusa na dulot ng mutation ng feline coronavirus (FCoV).
Paano malalaman ang early symptoms? Lagnat, walang ganang kumain, matamlay, at pumapayat.
Pwede bang gumaling ang FIP? Yes! Sa antiviral treatment gaya ng GS-441524, mataas na ang recovery rate ngayon.
Gaano katagal ang treatment? Usually 12 weeks, depende sa kondisyon ni pusa at sa response niya sa gamot.
Nakakahawa ba ang FIP sa tao? Hindi! Sa pusa lang ito nakakahawa.
Paano magpa-treatment? Kontakin ang BasmiFIP para sa info at FREE consultation sa trusted FIP therapy.
Commentaires